Barangay chairman, itinumba sa Pangasinan

Barangay chairman, itinumba sa Pangasinan

July 15, 2021 @ 9:50 AM 1 year ago


PANGASINAN- Tigok ang tserman ng isang barangay matapos pagbabarilin sa Brgy. Quibaol, Lingayen ng lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Frederick Abalos, barangay chairman ng Brgy. Balococ ng naturang bayan.

Si Abalos ay nakasakay sa tricycle na minamaneho ng kanyang bayaw na si Eddie Bautista ng pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga suspek.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Lingayen Police kaugnay sa nangyaring pamamaril para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang mga salarin. Rolando S. Gamoso