Barangay chairman utas sa tandem

Barangay chairman utas sa tandem

August 12, 2022 @ 9:41 AM 2 months ago


PIAT, Cagayan-BUTAS ang ulo ng isang barangay chairman matapos barilin ng hindi pa kilalang riding in tandem, Huwebes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Robert Cauilan De Ocampo, 50-anyos at Barangay Chairman ng Anurturu, Rizal, Cagayan.

Batay sa report ng Piat Police Station, dakong 3:00 PM naganap ang krimen sa kalsadang sakop ng Brgy. Gumarueng , Piat, Rizal, Cagayan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktimang ng kanyang mini-truck kasama ang misis ng bigla na lamang tambangan ng mga suspek na lulan ng silver-gray na NMAX.

Pinagbabaril ang biktima na tinamaan at naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang masuwerte naman hindi tinamaan ang kanyang misis.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Kwento ng misis, galing sila sa pamimili ng mga construction materials para sa ginagawa nilang gym at pauwi na sana sila sa kanilang tahanan.

Aniya, taon 2018 nakatanggap ng mga death threat ang kanyang mister mula sa Communist Terrorist Group at pinasok na rin sila sa kanilang bahay saka kinuha ang baril ng kapitan.

Isa sa mga tinitignan anggulo ngayon ng mga awtoridad ay pulitika ang motibo sa krimen.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa agaran ikadarakip ng mga suspek./Mary Anne Sapico