Barangay Ginebra, tinambakan ang San Miguel, PBA Commissioner’s title nasungkit!

Barangay Ginebra, tinambakan ang San Miguel, PBA Commissioner’s title nasungkit!

August 9, 2018 @ 7:17 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Pinatunayan ng Gin Kings na sila ang hari ng court nang tambakan nila ang San Miguel Beer, 93-77, sa Game 6 ng 2018 PBA Commissioner’s Cup finals, kagabi.

Sa harap ng libu-libong manunuod sa Mall of Asia Arena, pinagharian ng Ginebra ang defending champion na San Miguel, 27-8, sa nag-iinit na laban sa third quarter para kontrolin ang laro at kalaunan ay nakamit ang kampyonato.

Ito ang unang title sa Commissioner’s Cup ng Barangay Ginebra sa loob ng 21 na taon.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Gin Kings na nakapagtala ng 31 points, 19 rebounds, at 7 assists habang si Greg Slaughter ay nakakuha naman ng 13 points. 23 points naman ang pinagsamang puntos nina Scottie Thompson at LA Tenorio.

Samantala, sa Beermen, pinangunahan ito ng puntos ni June Mar Fajardo sa iskor na 29 points at 15 rebounds na sinundan naman ni Renaldo Balkman na may 24 points.

Tinapos naman ni Alex Cabagnot ang laro na mayron lamang 6 na puntos habang si Chris Ross at Marcio Lassiter naman ay hindi nakapuntos sa 17 na pagtira. Si Arwind Santos rin ay nalimitihan lang sa 5 points.

The scores:

Ginebra 93—Brownlee 31, Slaughter 13, Thompson 12, Tenorio 11, Chan 10, Mercado 6, Ferrer 5, Devance 4, J. Aguilar 1.

San Miguel 77—Fajardo 29, Balkman 24, Heruela 11, Cabagnot 6, Santos 5, Pessumal 2, Ross 0, Lassiter 0, Rosser 0, Vigil 0, Standhardinger 0.

Quarters: 14-17, 35-38, 62-46, 93-77. Remate News Team