Barangay hall sa Quaipo tinupok ng apoy

Barangay hall sa Quaipo tinupok ng apoy

November 22, 2022 @ 8:53 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na mapakinabangan ang ilang mga kagamitan sa isang barangay hall sa Quiapo, Maynila matapos masunog ang bahagi nito kagabi, Nobyembre 21.

Pasado alas -8:00 ng gabi nang mangyari ang sunog sa Barangay Hall ng Barangay 306 sa Palanca Street sa nasabing lugar.

Ayon sa kawani ng barangay, bago sumiklab ang apoy ay mayroong malakas na pagputok mula sa loob.

Lumiyab ang apoy sa command center ng Barangay kaya naman ang monitors at computers na ginagamit para sa CCTV ng barangay ay nasunog at hindi na magagamit pa.

Mabilis din namang naapula ang sunog na umabot lamang sa unang alarma kaya hindi na nadamay pa ang ikalawang palapag ng Barangay hall.

Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog habang inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi at halaga ng natupok ng apoy. Jocelyn Tabangcura-Domenden