Barangay job fair muling ikinasa sa Maynila

Barangay job fair muling ikinasa sa Maynila

August 4, 2022 @ 7:27 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Idaraos ang panibagong bugso ng “PESO on the Road: Barangayan Job Fair” sa Maynila ngayong araw.

Batay sa abiso ng Public Employment Service Office o PESO-Manila City na pinamumunuan ni Director Fernan Bermejo, ang job fair ay isasagawa sa Bldg. 18 covered court, Paradise Heights, sa Balut, Tondo.

Kabilang sa mga available na trabaho rito ay:

– Room attendant / Housekeeping
– Karpintero
– Electrician at Technician
– Admin Staff
– Cook o chef
– Bellman
– Lifeguard
– Supervisor / Manager
– At marami pang iba…

Para naman sa kumpletong listahan, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng PESO-Manila City.

Upang makapag-apply, maaaring magparehistro muna sa google form na binigay ng PESO. Kapag may confirmation na, i-screenshot ito upang maipakita sa Barangayan Job Fair.

Paalala naman sa mga aplikante:

1. Magdala ng sariling payong, pamaypay at tubig
2. Magdala ng black ballpen at sampung (10) kopya o higit pang resume
3. Magsuot ng semi formal attire
4. Sumunod pa din sa mga ipinaiiral na minimum public health standards kontra COVID-19.

Samantala, mayroon pa ring JOB FAIR (LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY) sa PESO ANNEX Park N’ Ride Building, sa Lawton. JAY Reyes