Barangay kagawad, 3 pa arestado sa drug ops

Barangay kagawad, 3 pa arestado sa drug ops

February 18, 2023 @ 1:15 PM 1 month ago


LEGAZPI CITY- Arestado ang isang barangay kagawad at 3 pang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad, kahapon sa probinsya ng Bicol.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Noel Viñas, 47, ng Barangay Kilomaon sa bayan ng Sagñay.

Ayon kay Colonel Julius Caesar Domingo, hepe ng Camarines Sur-PNP, dakong alas-5:45 ng hapon nitong Biyernes nang madakip si Viñas matapos makabili ang operatiba ng isang pakete ng shabu sa halagang P500.

Nakuha rin sa suspek ang 2 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1,564.

Sa Barangay La Purisima Pili, bandang 1:46 PM nadakip si Julio Reyes, 39, at nakunan ito ng shabu ng nagkakahalaga ng P500.

Sunod naman naaresto si Danny Morico, 30, bandang alas-11:05 sa Barangay Sta. Cruz, Naga City.

Sinabi ni Senior Master Sergeant Tobias Bongon, Naga City police spokesman,nakuha kay Morico ang 1 gramo ng shabu na aabot sa halagang P6,800.

Naaresto rin sa Barangay Villahermosa, Daraga, Albay , dakong alas-5:10 ng hapon si Michael Vargas, 40.

Nakuha kay Vargas ang 3 pakete na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico