Barangay kagawad, arestado sa rape!

Barangay kagawad, arestado sa rape!

February 28, 2023 @ 5:48 PM 4 weeks ago


CEBU CITY, Philippines- Arestado ang kagawad ng Barangay Sawang Calero sa Cebu City, nitong Lunes matapos akusahang nanggahasa sa isang menor-de-edad noong 2020.

Nahaharap ang akusado sa reklamong five counts of rape.

Base ang pagkakaaresto sa kanya sa warrant na insyu ni Judge Leah Iligan Geraldez ng Branch 20 ng Regional Trial Court (RTC) sa Cebu City nitong Lunes.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.

Sinabi ni Police Lieutenant Jerome Java, officer-in-charge ng Sawang Calero Police Station, na inakusahan ng menor ang 48-anyos na kagawad ngbarangay ng panggagahasa na naganap umano sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Ang biktima ay 15-anyos lamang noong, ayon kay Java.

Sinabi ni Java na hindi na ikinagulat ang pagkakaaresto sa kagawad, na batid ang kaso na inihain laban sa kanya.

Naghain na umano ng counter-affidavit ang suspek. RNT/SA