Barangay kagawad bulagta sa riding-in-tandem

Barangay kagawad bulagta sa riding-in-tandem

May 31, 2021 @ 4:10 PM 2 years ago


ISABELA – Bulagta ang. isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng tinaguriang riding-in-tandem criminal na ang biktima ay nagtamo ng mga bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan sanhi ng agarang kamatayan ng biktima sa may Barangay Barumbung, Sto. Tomas, ng nasabing lalawigan.

  Kinilala ng mga tauhan ni P/Major Felix Mendoza hepe ng Sto Tomas Police Station ang biktima na si Barangay Kagawad Alejandro Maddawin, 58-anyos, may asawa at residente ng Barangay San Jose, Delfin Albano, Isabela.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng PNP Sto. Tomas, naganap ang pamamaril sa biktima dakung alas otso kuwarentay singko  ng umaga linggo, Mayo 30, 2021 sa ipinagagawa niyang bahay sa kanyang bukid sa Purok 1, Barangay Barumbung ng naturang bayan.

Dumating umano ang dalawang suspek lulan ng isang motorsiklo na walang plaka sa kanyang ipinagagawang bahay sa naturang lugar kung saan ay pinaputukan ng maraming beses ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril na nagtamo si Maddawin ng tama ng bala sa kanyang ulo, tagiliran at sa dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sa nakuhang impormasyon sa PNP Sto. Tomas, ang dalawang lalaking salarin ay nakasuot umano ng itim at fatigue na jacket na parehong nakasuot ng helmet at mabilis na tumakas sa hindi pa matukoy na direksyon pagkatapos ang krimen.

Samantala mayroon na umanong sinusundang lead ang PNP Sto. Tomas sa nangyaring krimen upang kanilang mapag-alaman kung ano ang motibo sa pamamaril patay kay Maddawin at kung sino ang nasa likod nang naturang pamamaslang ng dalawang salarin.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ng mga kapulisan para sa agarang ikadarakip ng mga salarin. Jun Fuentes