Barangay kagawad kulong sa drug paraphernalia

Barangay kagawad kulong sa drug paraphernalia

September 11, 2022 @ 12:45 PM 2 weeks ago


KABANKALAN CITY- Kulungan ang kinabagsakan ng isang barangay kagawad habang matapos makuhaan ng hinihinalang drug paraphernalia nitong Huwebes.

Kinilala ang nadakip na si Cyrell Castañares, 40, kagawad ng Barangay Dancalan, bayan ng Ilog, Negros Occidental.

Ayon kay Lt. Dennis Melgarejo, deputy police chief ng Kabankalan City Police Station, dakong alas-11:30 ng gabi nahuli ang suspek sa ginawang checkpoint ng mga awtoridad sa naturang lungsod.

Sinabi ng pulisya, sakay ng motorsiklo si Castañares at kasama nito ng lagpasan nila ang checkpoint subalit hindi pa man sila nakakalayo ay biglang huminto ang motorsiklo.

Dito, nahuli ng mga pulis na may inihagis si Castañares sa kalsada at ng usisain ito nakita ang improvised glass tooter at improvised plastic straw scoop na may mga bakas pa ng pinaniniwalaan shabu.

Nakuha rink ay Castañares ang improvised aluminum canister at disposable lighter.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Castañares at tinagurian newly-identified individual bagaman wala itong record ng kahit na anong iligal na aktibidades sa barangay at police station. Mary Anne Sapico