Barangay kagawad patay sa pamamaril sa Cavite City

Barangay kagawad patay sa pamamaril sa Cavite City

December 12, 2022 @ 8:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinagbabaril ang isang barangay kagawad sa Cavite City ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Linggo ng umaga.

Bayau sa CCTV footage, makikita ang 50-anyos na biktima na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang live-in partner sa kahabaan ng R. Basa Street sa Barangay 54 San Roque lampas alas-8 ng umaga.

Pagdating sa corner ng E. Mariano Street, binaril siya ng assailant na nakasuot ng long-sleeved top at maong pants.

Batay sa ulat ni Police Lt. Col. Jerry Corpuz, acting chief of police ng Cavite City Police Station, agad na namatay ang biktima.

Gumugulong na ang imbestigasyon sa krimen. RNT/SA