Barangay kagawad patay sa pamamaril

Barangay kagawad patay sa pamamaril

November 26, 2022 @ 11:06 AM 2 months ago


BACOOR, Cavite- Duguang bumulagta sa harap mismo ng barangay hall ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem suspect kahapon ng hapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Angel Ventura Tamayo, barangay kagawad ng Barangay Sineguelasan, Bacoor Cavite.

Batay sa report ng Bacoor City Police Station, dakong alas-5:50 ng hapon naganap ang krimen sa tapat ng barangay hall sa nasabing lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, kausap ng biktima ang barangay secretary na si John Paul Grande nang bigla siyang lapitan ng dalawang lalaki na nakasuot face mask, sombrero at magka-angkas sa motorsiklo.

Dito, walang babalang pinagbabaril ang biktima saka mabilis na pinaharurot ang motorsiklo patakas.

Isinugod naman sa Binakayan Hospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico