Barangay kagawad patay sa tambang

Barangay kagawad patay sa tambang

July 12, 2022 @ 10:24 AM 1 month ago


BALENO, Masbate- Patay ang isang barangay kagawad matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Kagawad Noli Licup, 56 anyos, at residente sa ng Barangay Docol ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Baleno Municipal Police Station, dakong 1:45 PM naganap ang krimen sa Brgy. Tinapian, Baleno, Masbate.

Ayon kay Patrolman Rolando Esquilona Jr. , imbestigador ng Baleno Municipal Police Station, galing sa Barangay Poblacion at pauwi na sa kanilang bahay sa ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo .

Pagsapit sa naturang lugar bigla na lamang siyang pinagbabaril ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan ng naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek patungong sa direksyon ng Aroroy Masbate.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakitaan ng 3 tama ng bala sa likod ang biktima at nakarekober sila ng 6 na basyo ng .45 kalibre na baril.

Nabatid na nagsilbi rin bilang punong barangay ng Barangay Docol ang biktima.

Inaalam na ng pulisya ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico