Barangay kapitan, 3 iba pa tinambangan sa Cagayan

Barangay kapitan, 3 iba pa tinambangan sa Cagayan

May 8, 2022 @ 12:26 PM 2 months ago


CAGAYAN – Maswerteng nakaligtas sa pananambang ang isang barangay kapitan at tatlong iba pa sa  bahagi ng National Highway, Barangay Quibal, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang mga biktima na sina Brgy. Captain Bonifacio Caliguiran, 69, Marvie Caliguiran, 55, asawa ng kapitan; John Rey Caluigiran, 13; at Armelante Collado, 34, pawang mga residente ng Nanguillattan, Peńablanca, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang motorsiklo ang nag-overtake sa rescue service na gamit ng mga biktima at agad na pinaputukan ang mga ito.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang (1) piraso ng basyo ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at isang live ammunition na nakita sa kalsada.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga kapulisan ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Rey Velasco