Barangay kapitan, itinumba; 3 sugatan

Barangay kapitan, itinumba; 3 sugatan

October 10, 2018 @ 9:58 AM 4 years ago


 

Cavite – Dead on arrival ng idating sa Asia Medic Hospital ang isang Barangay Kapitan nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang salarin kagabi, sa Barangay Yakal bayan ng Silang.

Kinilala ang biktima na si Naldie Secretario, kasalukuyang nasa Covered Court ng dakong alas- 10 kagabi para isaayos ang nasabing lugar hinggil sa gaganapin activity sa kanilang Barangay nang bigla itong pagbabarilin ng mga suspek. Nagtamo ng mga tama ng bala iba’t ibang bahagi ng katawan si Secretario mula sa hindi pa matukoy na baril dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

Sa naturang pag-atake, tatlong indibidwal din ang nagtamo ng minor injuries matapos na tamaan ng stray bullets.

Mabilis na tumakas ang dalawang hindi nakikilalang gunman lulan ng isang motorsiklo sa hindi pa matukoy na direksyon patungo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Silang PNP sa pinangyarihan ng insidente./Ellen Apostol