Barangay kapitan lagay

Barangay kapitan lagay

July 17, 2018 @ 7:30 AM 5 years ago


 

Sa area ng Sta. Cruz, Avenida Rizal at Ongpin, may isang ba­gong hangal, este, halal na ba­rangay kapitan diyan na mahi­lig na makialam.

Kabago-bago pa lang, eh,  nakikialam na ang ugok sa mga parking at vendor sa area niya.

Ang balita pa, ginigipit daw nitong si Barangay Kap. Bumbero ang mga barangay tanod niya at sinisimulan na niya na magpapakilala sa mga parking boy at vendor sa nasasakupan niyang area (hindi po ‘yan si Eng Bee Ten).

Aba’y mukha yatang gusto rin na magpatimbre o mangotong sa mga parking boy at vendor ang kumag na mamang kapitan na ito na kabago-bago pa lang na hangal, este, halal na kapitan.

Tong’ agad ang nasa utak ng ulol na ‘yan. Hehehe.

Eh mukha yatang pera o salapi ang mas prayoridad ni Kap. Bumbero kaysa sa peace and order sa kanyang nasa­sakupang barangay (may ganon pa?).

May balita pa nga ako na pati yata ang mga iligal na pasugalan sa kanyang area ay isa-isa na nitong pinakakapa sa kanyang mga intelligence hindi para paghuhulihin kundi para pasukain na mag

timbre sa kanya. Hehehe.

Kasiba pala itong si Kap. Bumbero. Wala pa ngang ak­syon na ginagawa sa barangay, eh, ang pagkakaperahan na ang inaatupag nito.

Hoy, dapat unahin na muna niya ang lugar bago ang bulsa niya.

Hindot ka Kap. Bumbero. Ehehehehehe!

Eh, mukhang binabawi ng hindot na ito ang kanyang ginastos sa nakalipas na election kaya ganon na lang kasiba ang mamang ito.

Tangna mo, ah. Penge nga. Hehehehe.

PAGING DILG Sec. Eduardo Ano, Mayor Erap at Manila Ba­rangay Bureau, pakisampulan lang ang barangay kapitan na ito na walang inaatupag kundi pagkakaperahan. Eheeheehek!

PINAIHI NI DODONG

GASUL SA CALAMBA

Ang PAIHI ni Dodong Gasul, ng Brgy. Maquiling, sa likuran lamang ng Yakult Factory sa Brgy. Maquiling, Calamba, Laguna ang siyang may pinaka-malaking operasyon ng paihi, ng LPG, gasul, diesel, gasolina at mga chemical at hindi natitinag simula nang mag-operate ito sa nasabing bayan.

Araw-araw ay may malalaking oil tanker ng PETRON, SHELL at iba pa ang nakikitang pumapasok sa warehouse  ni Dodong Gasul sa Brgy. Ma­quiling.

Dito raw ipinaiihi ang mga laman ng nasabing mga oil tan­ker na binabagsak ng mga ka-isplit nitong mga driver ng nasabing tanker.

Abangan ang karugtong.

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 0918924764, 0926­6719269 o i-eamil sa juand­[email protected] o juan­[email protected]

-JUAN SABOG