Barangay konsehal, todas sa riding in tandem

Barangay konsehal, todas sa riding in tandem

July 20, 2018 @ 1:59 PM 5 years ago


 

Talisay, Cebu – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang binatang barangay konsehal sa Talisay City sa Cebu.

Nakilala ang 24 anyos na biktima bilang si Art Stephen Bas, na sunod-sunod na pinaputukan ng anim na armadong kalalakihan sakay sa tatlong motorsiklo sa bahagi ng Cebu South Coastal Road.

Lumalabas sa inisyal na ulat ni SPO4 Frederick Larrobis, imbestigador ng Talisay police, minamaneho umano ng biktima ang kanyang puting Ford Explorer sa lugar nang bigla itong harangin at tambangan ng mga suspek.

Maliban sa pagiging kagawad ng barangay, si Bas ay isa ring mechanical engineering student at nakatakda na sanang magtapos sa Oktubre ngayong taon.

Labinglimang basyo ng bala ng baril ang narekober ng mga awtoridad sa crime scene.

Hindi pa batid ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima na sa kasalukuyan ay inaalam pa. (Jeff Gallos)