Barangay konsi patay sa pamamaril sa Sorsogon

Barangay konsi patay sa pamamaril sa Sorsogon

June 17, 2022 @ 10:24 AM 1 week ago


LEGAZPI CITY- Patay sa pamamaril ang isang konsehal ng barangay sa bayan ng Irosin sa Sorsogon nitong Huwebes, ayon sa mga pulis.

Inilahad ni Police Staff Sergeant Eugene Equipado, chief investigator ng Irosin police, na binaril si Shyrma Medel, 38, residente ng Barangay Bulawan, ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Gabao bandang alas-8:20 ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ng kanyang tricycle si Medel kasama ang kanyang asawa na hindi pinangalanan, nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Maharlika Highway.

Nagtamo ng ilang tama ang biktima sa kanyang katawan na mitsa ng kanyang agad na pagkamatay, habang ligtas naman ang kanyang asawa.

Kasalukuyang gumugulong ang imbestigasyon. RNT/SA