Barangay may malaking papel laban sa kagutuman – PBBM

Barangay may malaking papel laban sa kagutuman – PBBM

March 1, 2023 @ 10:47 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – BINIGYANG-DIIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang papel ng barangay sa pagtugon sa kagutuman at pagpo-promote na mapanatili ang agrikultura kahit pa sa small-scale level.

Ngayong Miyerkoles, Marso 1 ay pinangunahan ni Pangulong Marcos ang paglulunsad sa “Hapag Kay PBBM” o “Halina’t Magtanim ng Prutas At Gulay sa Barangay Project/Kadiwa Ay Yaman/Plants for Bountiful Barangays Movement” ng Department of Agriculture at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na kumpiyansa siya na sa pamamagitan ng nasabing proyekto ay “we will further increase our capacity to take part in our goal to address poverty, ensure food security, and protect the environment even at the barangay level.”

“This is a good beginning but we must continuously come up with more innovative solutions to address hunger and make nutritious food available to every Filipino,” dagdag na wika nito.

“Also, there is the key role of barangays as they are the essential partners in the national government in this endeavor. Given their awareness of the needs of their constituents, they are well-positioned to find and implement solutions that best fit their context, their conditions, and their circumstances,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Pangulo na sa gitna ng mga hamon hinggil sa kakapusan sa pagkain at mataas na presyo ay mayroong pangangailangan na “rethink our supply system.”

“I’m grateful that these two agencies have taken on the challenge and have found innovative solutions through the Hapag kay BBM,” ayon sa Chief Executive.

“With the fusion of these two programs, I am certain we will be able to quickly and effectively promote urban agriculture in the entire country and to foster greater ties among residents at the barangay level,” aniya pa rin.

Samantala, nangako naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagbibigay ng suporta sa local government units para matiyak ang food security.

“Rest assured that this government remains committed to providing our people with access to fresh, nutritious food at an affordable cost,” ayon sa Pangulo. Kris Jose