Barangay officials pasok din sa benepisyaryo ng cash aid – DILG

Barangay officials pasok din sa benepisyaryo ng cash aid – DILG

April 7, 2021 @ 7:20 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kwalipikado ring mabigyan ng emergency cash aid ang mga opisyal ng barangay na sapul ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay DILG spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya na ang mga barangay health workers, tanod, konsehal, at iba pang empleyado ng barangay na may buwanang sahod lang ng P1,500 hanggang P2,000 ay kwalipikadong benepisyaryo.

Ani Malaya na maituturing din silang low income earners.

“Technically, pupuwede yan dahil so long as low-income earners sila. So ang babalikan po natin kung ilan sila sa pamilya,” ani Malaya.

Sa ilalim ng emergency assistance ng national government ay makatatanggap ng P1,000 kada indibidwal at hanggang P4,000 naman kada pamilya.

Para maiwasan ang pandaraya ay ipinapo-post ng DILG sa mga barangay official ang listahan ng mga benepisyaryong makatatanggap,

Ang hindi sususnod ay padadalan ng show cause order ng DILG. RNT


  •  
  •  
  •