Barangay sa Cavite, may pabigas kapalit ng daga

Barangay sa Cavite, may pabigas kapalit ng daga

August 2, 2018 @ 4:19 PM 5 years ago


Cavite – Matakot na ang mga daga dahil isang barangay sa Cavite ang naglunsad ng kanilang programang ‘Bigas Ko para sa Daga mo.’

Kanya-kanya nang hanap ng mga epektibong patibong para sa mga daga ang mga residente ng Barangay Silangan Uno dahil kada isang daga ay may libreng isang kilong bigas.

Layon ng kakaibang gimmick na ito ang masupil ang pagdami ng mga daga sa lugar at pagmulan ng nauusong leptospirosis lalo na’t flood prone area ito.

Dahil dito, hindi bababa sa 50 daga ang nahuhuli ng mga residente sa loob lang ng limang araw.

Agad namang inililibing sa isang hukay sa isang bakanteng lote ang mga patay na daga. (Remate News Team)