Barangay secretary patay sa pananambang!

Barangay secretary patay sa pananambang!

April 13, 2022 @ 4:51 PM 3 months ago


BATANGAS – Patay sa pananambang ang isang barangay secretary sa Bauan, Batangas, Miyerkules ng tanghali.

Kinilala ni Bauan police chief Lt. Col. Louie Dionglay ang nasawi na si Jojo Acuzar, sekretarya ng Barangay Sta. Maria.

Sugatan naman ang kasama nitong treasurer na si Demetrio Silang.

Sa ulat, sakay ng patrol vehicle ang mga biktima galing sa Barangay Manghinao nang pagbabarilin sila ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang posibleng motibo ng krimen. RNT/ JCM