Barangay tanod, misis huli sa P1M shabu, tsongki

Barangay tanod, misis huli sa P1M shabu, tsongki

September 2, 2022 @ 3:20 PM 3 weeks ago


SANTIAGO CITY- Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang mag-asawang barangay tanod at misis nito matapos mahulihan ng halos P1,000,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Batal, Santiago City kagabi.

Sa ipinarating na ulat ni PCol. Reynante Panay, City Director ng Santiago City Police Office o SCPO, kinilala ang mag-asawa na sina Villamor Caliboso Jr. alyas ‘Jong’, 45 anyos, Barangay Tanod/Driver at Diosa Caliboso, OFW at residente ng Purok 7, Habitat, Brgy. Naggasican, Santiago City, Isabela.

Huli sa akto ang mag-asawa na nagbebenta ng isang (1) piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang operatiba na umakto bilang poseur buyer.

Nakumpiska rin sa operasyon ang apat (4) na marijuana bricks hashish na tinatayang nagkakahalaga ng P1,000,000.

Nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang ilang personal na gamit gaya ng cellphone, motorsiklo at ID’s.

Nahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco