Barangay Tanod na niresbakan ng big time pusher binawian na ng buhay

Barangay Tanod na niresbakan ng big time pusher binawian na ng buhay

June 30, 2018 @ 11:02 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Binawian na ng buhay ang isang team leader ng mga tanod sa barangay makaraan ang dalawang araw na pakikipambuno kay kamatayan.

Labis ang hinagpis ng mga kaanak nang malagutan ng hininga sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Ramil Corres o mas kilala sa tawag na Jun Flip, residente ng J.Planas Street, Gagalangin, Tondo, Maynila.

READ: Tanod ng barangay, binoga

Si Jun Flip ay binaril ng dalawang beses sa harap ng Lakandula High School kung saan naghahanda ito ng kanyang paninda Huwebes ng umaga.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 163 Zone 14, nakita ang isang lalaking nakasuot ng kulay asul na jacket, pulang helmet at nakasakay ng  motorsiklo sa kahabaan ng Juan Luna, Gagalangin.

Nang matapatan si Corres ay agad nitong nilapitan at dalawang beses binaril sa ulo ng kalibre .45

Ayon kay Chairman Lourdez Gutierrez, mayroon silang nabangga na isang big time pusher na posibleng rumesbak kay Corres.

Matatandaan kasing aktibo si Corres sa paghuli ng mga nasasangkot sa droga sa barangay  kaya naman isa ito sa tinitingnang motibo ngayon sa krimen.

Humihingi naman ng agarang aksiyon ang kaanak ng biktima sa kinauukulan upang mahuli at mapanagot ang suspek sa krimen.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)