Barangay tanod natutulog, niratrat!

Barangay tanod natutulog, niratrat!

July 2, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


COTABATO- Hindi na nagising pa mula sa mahimbing na pagkakatulog ang isang barangay tanod matapos paulanan ng bala ng baril ng mga hindi pa kilalang armadong kalalakihan na ikinasugat na dalawa Biyernes sa probinsyang ito.

Kinilala ng nasawi na si Gilbert Roa, 45 anyos,may asawa at miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), habang sugatan sina Eleonor Umutong at Kho Inok, mga residente ng Sitio Saging Barangay Ginatilan, Pikit Cotabato.

Ayon kay Police Major Maxim Peralta, hepe ng Pikit Police Station, natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay ng bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga suspek gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Dinala sa ospital ang mga biktima para lapatan ng lunas subalit dineklara na rin patay si Roa ng mga umatending doktor.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek. Mary Anne Sapico