Barangay tanod, patay sa pamamaril

Barangay tanod, patay sa pamamaril

February 3, 2023 @ 8:17 AM 2 months ago


COTABATO CITY- Pinagbabaril-patay ang isang barangay tanod ng mga hindi pa kilalang suspek kagabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Candao Talumpa Musa, 34-anyos, may asawa at residente ng Lapu-Lapu Street Barangay Rosary Heights 3 Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Office (CCPO) Station 1 Commander Major John Vincent Bravo, dakong alas-6:40 ng gabi nitong Huwebes nang maganap ang krimen ilang metro lamang ang layo sa tahanan ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahayng bigla na lamang sumulpot ang armadong suspek at pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre.45 na pistola.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Matatandaan na noong Martes (Enero 31) ng tanghali ay pinagbabaril-patay din ng hindi pa kilalang suspek ang isang Haris Abdul sa parehong lugar.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo at kung iisa lamang ang salarin sa magkasunod na krimen. Mary Anne Sapico