P20M ‘tsaabu’ nasabat sa QC

August 16, 2022 @8:45 AM
Views:
8
MANILA, Philippines –Ā Nasabat ng pulisya ang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang sahabu sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City.
Aabot sa tatlong kilong shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek na kinilala ng pulisya na si Jerome Labita, 20-anyos, binata, residente ng Varsity Lane, Barangay Pasong Tamo, Quezon City; at John Lester Lacaba Manipol, 24 taong gulang, binata, at residente ng Sauyo, Quezon City.
Nasamsam sa suspek ang isang vacuum sealed plastic Chinese tea bag na may tinatayang timbang na isang (1) kilo na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang Shabu na may standard price na P6,800,000; dalawang pirasong vacuum sealed plastic Chinese tea bags na may tinatayang timbang na dalawang (2) kilo at naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may presyong P13,600,000, boodle money na ginamit bilang buy-bust money; dalawang (2) unit ng smart phones, isang unit na SUV (Toyota Fortuner black) na may plate number NQX345, at sari-saring Identification Card at mga dokumento.
Nasa kustodiya na ngayon ng awtoridad at sasampahan ng kaukulang kaso. RNT
Mga magsasaka dapat may ‘say’ sa itatalagang DA official

August 16, 2022 @8:31 AM
Views:
8
MANILA, Philippiens – Naniniwala ang isang mambabatas na dapat ang irekomendang opisyal sa Department of Agriculture (DA) ay ang pinaka-competent na maaring makatulong sa ahensya.
Sa Balitaan sa Maynila nitong Linggo, binigyan diin ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat na ang mga opisyal na nagrekomenda sa pagkatalaga ni DA Undersecretary at Officer-In-Charge Leocido Sebastian ay hindi na dapat pang payagan na mag-refer ng ibang tao bilang kanyang kapalit.
Ito ay matapos magbitiw si Sebastian noong nakaraang Linggo matapos siyang pumirma ng isang resolution kaugnay sa importasyon ng nasa 300,000 metric tons ng asukal sa ngalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, nang walang pahintulot mula sa punong ehekutibo.
āMas maganda iyong recommendation ng industriya, ng stakeholders, ng farmers,ā pahayag ni Cabatbat.
Dapat din aniyang tanungin ng Pangulo ang kanilang opinyon kung sino sa tingin nila ang magandang replacement.
Giit ni Cabatbat,kailangan talaga ng bansa na mag-import ng mga produkto na wala sa ating bansa ngunit apra sabayan ang harvest ng local farmers ay isa aniyang sampal sa kanila.
āHindi po kami laban sa lahat ng importation kasi kailangan talaga natin mag-import ng mga bagay na wala tayo dito pero yung mag-import just in time for harvest, sampal po yan sa aming mga magsasaka,ā sabi pa ni Cabatbat.
Sinabi pa ni Cabatbat na kapag hindi maganda ang pagpapatakbo sa DA ay kawawa din ang lahat kaya naman nais ng kanilang party-list na masiguro na magtatagumpay ang administrasyon Marcos sa pagsusulong nito na palakasin ang sektor ng agrikultura sa loob ng anim na taon.
āSana po ay mapili natin yung pinaka competent na may puso na makatulong ninyo sa Department of Agriculture,ā ayon pa sa kinatawan ng naturang partylist na ang tinutukoy ay ang Pangulo.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring inaanunsyo na maaring kapalit sa bakanteng posisyon ni Sebastian. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Taas-presyo ng sardinas, noodles pinalagan ng solon

August 16, 2022 @8:18 AM
Views:
12
MANILA, Philippines – Para sa Gabriela Partylist malinaw na imahinasyon lamang ang pangarap ni Pangulong Bongbong Marcos na wakasan ang gutom sa bansa dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin kung saan ang pinakahuli ay ang 3 hanggang 6 porsiyentong pagtaas sa presyo ng sardinas at noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas nangangamba na abutin hanggang 10% ang pagtaas ng presyo ng sardinas at noodles at isa itong malaking pahirap sa mga ordinaryong mamamayan.
“Dagdag dagok ito sa mga mahihirap na umaasa lang sa de lata at noodles para maitawid ang gutom ng kanilang mga pamilya. Walang ibang choice na kakainin ang mahihirap dahil maging ang gulay ay napakamahal na”ani Brosas.
Umapela si Brosas sa Kamara na ipasa ang House Bill 409 na naglalayong mabigyan ng P10,000 ayuda ang mga pamilya na naapektuhan ng taas-presyo, kalamidad at pandemya.
Gayundin ay hiniling nito na maamyendahan ang Price Act para pahigpitin ang price control sa presyo ng pangunahing bilohin. Gail Mendoza
Nobyembre ideklarang “Buy Pinoy, Build Pinoy Month Act”-Villar

August 16, 2022 @8:05 AM
Views:
11
MANILA, Philippines – Upang hikayatin ang pampubliko at pribadong sektor na tangkilikin ang mga produktong Pinoy, nais niĀ Ā Senator Cynthia A. Villar na ideklarangĀ Ā “Buy Pinoy, Build Pinoy Month” ang Nobyembre.
Sa kanyang Senate Bill 357, sinabi ni Villar na kailangang unahinĀ Ā ang pagbili atĀ Ā paggamit ng produktong Pinoy atĀ Ā pagtangkilik sa serbiayo ng ating mga kababayan.
“PatronizingĀ Ā our own Filipino products strengthens the Philippine economy,” giit ni Villar na kilaka saĀ Ā pagsusulong sa lokal na produkto mula sa kanyang mga programang pangkabuhayan.
Aniya, pinili niya ang Nobyembre dahil dumarami ang mga mamimili sa panahong ito bunga ng Kapaskuhan.
Bagama’t madalas ni Villar naririnig angĀ Ā kasabihangĀ “Tangkilikin ang Sariling Atinā,Ā dismayado naman siya na hindi ito naisasagawa.
Pinuna niya angĀ Ā kakulangan ng ating pamahalaan atĀ Ā stakeholders na ipaalam sa consumers ang pakinabang sa sandaling gawin natin ito.
Naniniwala si VillarĀ Ā na kailangan suportahan natin angĀ Ā Ā Filipino entrepreneurs para sa kanilangĀ Ā pag-unlad at pakikipag- kumpetensiya. .
Layunin ng panukalang batasĀ Ā ni Villar na itanik sa isipan ng bawat Isa ang pagtangkilikĀ Ā saĀ Ā Filipino- made products at pagkilala sa Filipino producers, partikular ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).
“All heads of government offices and instrumentalities, including government-owned and controlled corporations, as well as local government units, and employers in the private sector, shall encourage and afford sufficient resources, time and opportunities for MSMEs to engage and participate in any and all activities to mark the month,” sabi ni Villar.
Mahalagang sangkap angĀ Ā MSMEs sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Binubuo nila ang 99.6 % ng mga rehistradong negosyo sa Pilipinas. Binibigyan din nila ng trabaho ang mahigit 67 % ng Filipino labor force. Ernie Reyes
42 patay sa COVID; 3,484 bagong kaso naitala

August 16, 2022 @7:51 AM
Views:
15