Barangay tserman sa Lipa, Batangas patay sa pamamaril!

Barangay tserman sa Lipa, Batangas patay sa pamamaril!

February 27, 2023 @ 8:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang killer ang isang barangay captain sa Lipa, Batangas, ayon sa ulat nitong Linggo.

Makikita sa CCTV footage na nakatayo si San Carlos barangay captain Vivencio Palo sa likod ng pickup truck na nakaparada sa gilid ng daan malapit sa tindahan.

Bigla namang may tumigil na kotse malapit sa truck at pinaputukan ang biktima. Bumulagta si Palo sa lupa habang agad namang tumakas ang suspek o mga suspek.

Idineklarang patay si Palo sa ospital. Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente. RNT/SA