Barangay workers target bigyan ng benepisyo sa panukala sa Senado

Barangay workers target bigyan ng benepisyo sa panukala sa Senado

January 20, 2023 @ 3:34 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Naghain ng panukala ang mambabatas na layong magbigay ng benepisyo, subsidiya at compensation grants sa barangay workers, kabilang ang volunteer at health personnel.

Ipinanukala ni Senator Raffy Tulfo, target ng Senate Bill 1696 o ng “Magna Carta for Barangay Officials, Personnel and Volunteer Workers” na magtalaga ng salary rate sa ilalim ng standardized Position Classification and Compensation Scheme.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ang barangay workers ng insurance coverage sa Government Service Insurance System (GSIS) social insurance program, PhilHealth Insurance Program at PagIBIG Fund.

Sakaling maisabatas, makatatanggap din ang barangay workers ng hazard allowances at death at burial benefits.

Inihayag ni Tulfo na matutugunan ng panukala ang “neglected” na mga benepisyo, sweldo, at allowances ng barangay personnel, na itinuturing na “backbone of the nation.”

“Ilan na sa mga tanod ang napabalitang nasaktan, nadisgrasya at nagbuwis ng buhay sa tawag ng tungkulin,” Tulfo said. “Dahil sa pagganap nila sa kanilang tungkulin, sila ay napasama sa mga naging biktima ng COVID-19,” aniya.

“It is imperative that we recognize the tireless effort and sacrifices of our barangay officials, personnel and volunteer workers by giving them their due,” patuloy ni Tulfo. RNT/SA