Barbie at Xian, huli sa hotel!

Barbie at Xian, huli sa hotel!

May 17, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Umandar na naman ang malilikot na isip ng mga Marites kaugnay ng larawan kung saan magkasama sina Barbie Imperial at Xian Lim.

Kuha ‘yon sa tila front desk sa lobby ng isang hotel.

One picture posted has them together, at ang isa nama’y may kasamang tatlong babae whose faces are covered.

May caption ito na, “Thank you  Ms. Barbie and Mr. Xian for staying at Hotel Rosario Mati.”

Pine-presume na galing ‘yon sa management ng hotel.

Pero ang tanong na kailangang masagot ay bakit naroon sila?

As one netizen posted: “May taping ba sila ng kung anong pinagsamahang project?”

Still another one curiously asked kung alam ba ‘yon ng nobya ni Xian na si Kim Chiu?

Naghihintay sila ng sagot mula sa “spokesperson” ni Kim na si Xian Gaza.

As we all know, kilalang sawsawero sa mga isyu ng celebrity couples si Gaza.

Notwithstanding, open si Gaza sa pagsasabing matindi ang crush niya kay Barbie.

Hindi nga ba’t ipinagbunyi nito ang paghihiwalay nina Barbie at Diego Loyzaga?

In fairness, may ilan naman ang nagsasabing hindi dapat bigyan ng malisya ang mga photos nina Barbie at Xian Lim, let alone maging dahilan para magduda si Kim.

Trabaho: ‘yun ay kung bakit sila nasa hotel! Ronnie Carrasco III