Barbie, beast-mode sa nagpakalat ng fake-news sa kanila ni Jak!

Barbie, beast-mode sa nagpakalat ng fake-news sa kanila ni Jak!

July 30, 2021 @ 6:18 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umaksyon na si Barbie Forteza laban sa Einquirur, isang website sa Facebook, na nagkalat ng pekeng balitang hiwalay na sila ng nobyong si Jak Roberto.

Ayon sa ulat, si Barbie raw ang nakipag-break kay Jak dahil nakalimutan nito ang kanilang monthsary. Four years na ang itinatakbo ng kanilang relasyon.

Inamin ito ni Barbie sa art card na inilabas ng website, na sinundan pa nito na nagkabalikan din sila after 45 minutes. Tinopak lang daw ang Kapuso actress dahil may menstrual period ito.

Pumayag daw siyang makipagbalikan kay Jak matapos siyang bilhan ng large fries at burger.

Pero ang lahat ng ito’y peke lang pala, kaya minabuti ni Barbie na ireport ito sa FB.

Maging ang Inquirer.net ay tumangging sila ang may pakana ng balita. Ginaya lang daw ng Einquirur ang kanilang logo para palabasing kapani-paniwala ang balita.

Ang totoo, Barbie and Jak are on their fourth year and counting. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •