Barbie, dinadaan sa text ang galit kay Jak!

Barbie, dinadaan sa text ang galit kay Jak!

December 10, 2022 @ 2:47 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa anong paraan maaaring kumprontahin ang isang kasintahan?

Nang harap-harapan?

Sa pamagitan ng text mesage?

O, dedma na lang?

Para kay Barbie Forteza who has been carrying on a five-year old relationship with Jak Roberto, she prefers sending her boyfriend text messages kung may ‘di pagkakaunawaan sila.

Ani Barbie, hindi raw siya confrontational type.

Mas bet niyang padalhan na lang ng mensahe ang kanyang dyowa through text para detalyado, malinaw at kalmado.

Marami namang mga female netizens most especially Barbie’s age ang sang-ayon sa kanyang paraan.

Although mahabang paliwanagan ‘yon kung idadaan sa text, at least, wala raw iskandalong magaganap kung harap-harapan.

Maiiwasan pa raw ang posibleng physical harm na maaaring idulot ng kanyang kasintahan.

No wonder daw, umabot nang limang taon ang relasyon nina Barbie at Jak.

Inamin din ng Kapuso actress that between her and Jak ay siya ang mas selosa.

But even consumed by jealousy ay subtle o disimulado lang daw ang pagpapakita niya ng selos.

Dagdag pa ng gumaganap na Maria Clara sa historical portal ng GMA, “Besides hindi pa naman ako umaabot sa sukdulan. So far, ha?”

So, ibig palang sabihin ni Barbie ay posibleng mangyari sa kanya ang kasabihang, “Hell hath no fury like a woman scorned”? Ronnie Carrasco III