Barbie Forteza, takot matengga at mawalan ng trabaho!

Barbie Forteza, takot matengga at mawalan ng trabaho!

September 17, 2020 @ 8:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Solb na solb ang byuti ni Barbie Forteza nang malaman niya na magsisimula na siyang mag-taping ng primetime series ng Kapuso network, ang ‘Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday.’

Kasunod ng magandang announcement ay nagpa-swab test na ang lahat ng staff and crew pati na ang cast para masigurado na walang dalang virus ang mga taong involve sa production habang nasa lock-in taping sila.

Say ni Barbie, atat na talaga siyang magbalik sa trabaho dahil halos six months siyang walang project maliban sa mga vlogs sa kanyang socmed account.

Habang hinihintay ang resulta ng swab tests ay nag-script reading muna sina Barbie kasama ang ilang cast. Lahat ay via zoom meeting.

Nais ni Barbie na kung sakaling magsimula na ang kanilang taping ay napag-aralan na nila ang kanya-kanyang dialogue para mapadali ang kanilang trabaho.

Kahit excited ay hindi rin maalis kay Barbie ang mangamba para sa kanilang kalusugan dahil may chance pa rin na ma-expose sila sa virus. Kailangan daw talaga nila ng ekstrang pag-iingat at sundin ang safety protocols para maiwasan ang hawaan.

Ok na raw sa kanya na mag-adjust sa new normal situation kesa sa matengga ulit ang kanyang byuti sa loob ng kanyang tahanan.

‘”At siempre po, we need prayers para protektahan kaming lahat ng nasa Itaas,” ani Barbie. Wally Peralta


  •  
  •  
  •  

Loading...