Barbie, hindi bet makipag-live in kay Jak!

Barbie, hindi bet makipag-live in kay Jak!

May 10, 2022 @ 9:34 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Naniniwala si Barbie Forteza na konserbatibo pa rin ang karamihan sa mga Pilipina!

Tulad niya, hindi raw dahilan para sumang-ayon siyang makipag-live in sa nobyong si Jak Roberto kahit sabihin pang limang taon na sila.

Aniya, “I believe in long courtship.”

Her outlook stems from the fact na kahit saang anggulo raw tingnan ay dehado lagi ang babae pag hindi mag-work out ang live-in setup.

Kaya ingat na ingat daw siya never to fall into the trap.

Besides, pareho raw sila ni Jak na may pangarap para sa kani-kanilang pamiilya.

Dream niya na mabigyan muna ng negosyo ang kanyang ina, at saka siya lalagay sa tahimik.

Aware din si Barbie na hindi panghabambuhay ang pag-aartista.

Sana man lang daw kung matutulad siya sa beteranang aktres na si Gloria Romero na ‘di matatawaran ang staying power.

One thing good about Barbie, malakas ang self- control niya.

Hindi siya tulad ng ibang artista na madaling madarang to think sa loob ng limang taon ay marami ang puwedeng mangyari sa kanila ng lalaking mahal niya. Ronnie Carrasco III