Barbie Imperial at Paul Salas, nagkapatawaran na!

Barbie Imperial at Paul Salas, nagkapatawaran na!

December 9, 2021 @ 2:13 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Sa gitna ng mga issue at kontrobersiyang  binabato sa relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, isama mo pa ang tsismis ni Xian Gaza, good thing na may maganda pa ring nangyari.

Bukod sa current issue kasi, sa naging interview ni Barbie kay Boy Abunda, tinanong rin ng host ang aktres kung napatawad na nito ang dating boyfriend na si Paul Salas.

“Yes, Tito Boy. Sobrang okay. I mean, hindi kami nag-uusap walang anything. Pero opo, matagal na. May time na nakapag usap pa kami in person and nagka-sorihan na kami,” sagot ng aktres.

Marami ang natuwa sa ibinahaging ito ni Barbie lalo’t kung maaalala kasi ang naging relasyon nila ni Salas, ang unang nagiging komento ng lahat ay kung paano siya sinaktan nito physically noong sila pa.

Naging usap-usapan kasi ‘yon, na pinaniniwalaang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

May issues at tsismis man na binabato, mukhang going strong naman ang relasyon nina Diego at Barbie, gaya na lang ng sinabi ng pangalawa sa interview kay Tito Boy.

Samantala, Si Paul Salas naman ay pilit na shini-ship ng netizens sa vlogger na si Donnalyn Bartolome na recently lang ay nagkaroon ng vlog together.

Uuuy! Paula Jonabelle Ignacio