Barbie Imperial sa physical abuse: “Hindi tama manakit ng babae physically”

Barbie Imperial sa physical abuse: “Hindi tama manakit ng babae physically”

July 16, 2018 @ 11:16 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang tweet ng aktres na si Barbie Imperial tungkol sa isyu ng physical abuse.

Noong Sabado (July 14), nag-tweet ang aktres na, “Girls, just because mahal nyo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan. Hindi tama manakit ng babae physically.”

Mas lalong nabahala ang mga fans dahil nag-post din ang aktres ng mga litrato ng leeg at braso na may pasa at sugat.

“No to physical abuse. Never again,” sabi ni Imperial sa caption.

Matapos gumawa ng ingay, kalaunan ay binura ni Imperial ang kaniyang tweet ngunit mabilis ang mga netizens kaya’t agad kumalat ang screen grab ng mga ito.

Kahapon (July 15), nag-post muli ang aktres na nagsasabing, “Be strong.”

Hindi pa naman nagbibigay ng statement si Imperial upang ipaliwanag ang serye ng kaniyang mga post sa social media.

Samantala, nagpaabot naman ang mga netizen ng kanilang suporta at pagmamahal sa aktres. (Remate News Team)