Barbie, inireklamo, sinampahan ng kaso!

Barbie, inireklamo, sinampahan ng kaso!

November 3, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa mga kasong grave oral defamation, grave slander by deed at slight physical injury si Barbie Imperial.

Bunsod ito ng reklamo ng Viva sexy actress na si Debbie Garcia kaugnay ng insidenteng naganap sa Tipsy Pig Gastropub sa Quezon City.

Inihain ni Debbie ang mga naturang reklamo sa Department of Justice sa Quezon City nitong November 2, Miyerkoles.

Naganap ang pagpapang-abot nina Barbie at Debbie nitong October 28.

May kumakalat na ring video ng insidente sa social media.

Tinatayang matinding selos sa parte ni Barbie ang ugat sa likod ng kanyang physical at verbal attacks laban kay Debbie.

Si Debbie ay nauugnay sa kapwa Viva artist na si Diego Loyzaga na dating nobyo ni Barbie.

Sinusuportahan naman ng Viva si Debbie sa naging hakbang nito para papanagutin si Barbie.

At the same time, nananawagan ang Viva sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng footage ng engkuwentro sa pagitan nina Barbie at Debbie dahil nakasampa na ang kaso.

Si Barbie ay hawak ng Star Magic, talent arm ng ABS-CBN.

Wala pang tugon ang kampo ni Barbie kaugnay ng mga kinakaharap nitong kaso.

Pinagtatakhan naman ng marami ang ang gulong pagseselos ni Barbie kay Debbie gayong matagal na itong split kay Diego.

Nabanggit pa nga ni Barbie na nakapag-move on na siya mula ng breakup nila ni Diego.

Inaalam din kung nakainom o lasing si Barbie nang kumprontahin niya si Debbie.

Hindi raw kasi ito maglalakas-loob kung hindi ito nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Ano kaya ang masasabi ni Diego kung totoong pinagseselosan ng ex-girlfriend niya si Debbie? Ronnie Carrasco III