Barbie, kinilig sa biniling bahay ni Jak!

Barbie, kinilig sa biniling bahay ni Jak!

December 13, 2021 @ 7:37 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Masaya si Barbie Forteza sa naging desisyon ng boypren na si Jak Roberto na ibuhos ang mga perang kinita sa bagong bahay na binili.

Ayon pa rin sa actor, paghahanda na rin daw ang bagong buhay sa future nila ng girlfriend for 4 years na si Barbie.

Kilig to the bones at feeling super haba ng hair ni Barbie nang  makarating sa kanyang kaalaman na kasama pala siya sa plano bago bilhin ni Jak ang isang bahay.

Naging usap-usapan tuloy na matagal na palang plano nila ni Jak ang lumagay na sa tahimik kung kaya nagpursige ang aktor na magkaroon ng sariling bahay.

“Kaming dalawa ni Jak, wala kaming filter kung mag-usap. Kahit ano, everything under the sun, pinag-uusapan namin. Every now and then napag-uusapan ‘yang kasal, pero wala namang seryoso pang plano,” ang say ni Barbie.

Kung napag-uusapan naman pala ang tungkol sa pagpapakasal, nakasama na rin kaya sa kanilang usapan ang petsa kung kailan nila balak pakasal?

“Nothing final, nothing official, we’re just enjoying our time together right now,” aniya. “When it comes to settling down, I think mahaba-habang usapan ‘yan,” dagdag pang say ni Barbie.

Malamang ay matatagalan pa ang wedding plan ng dalawa, lalo pa ngayon na kapipirma lang muli ni Barbie ng panibagong exclusive contract sa Kapuso. Wally Peralta