Barbie, may patama sa mga ex!

Barbie, may patama sa mga ex!

August 1, 2022 @ 7:20 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Mukhang hinding-hindi na talaga babalik si Barbie Imperial sa kahit na sinong ex nito.

“Wala akong gustong balikan sa mga ex ko,” deretsahang pahayag ng aktres sa kanyang vlog.

Paliwanag nito, matapos kasi nilang maghiwalay ng mga naging ex boyfriend niya, nagkakaroon agad ang mga ito ng ibang babae kaya malabo na talaga niyang balikan.

“If natikman mo na ‘yung ibang babae after sa ‘kin, bakit ka babalik sa akin,” tanong nito sa mga ex.

May pahabol pa ang aktres na porke hindi masarap ang natikman nilang bagong ulam, babalik na sa kanya.

Pero ang pinaka-nagustuhan ng netizens, ang linyahan nitong, “Sinayang mo ako, so huwag ka na!”

Does this mean na may ex na gustong bumalik sa kanya?

Hmmm. Wala namang nagbigay pahayag sa isa sa mga ex nitong sina Ryle Santiago, Paul Salas, JM de Guzman, at Diego Loyzaga.

Well, aminado si Barbie na pinaka-nasaktan siya sa relasyon nila ni Diego pero mukhang dedma naman ang aktor lalo’t inamin nito in public that he is currently dating former PBB housemate Franki Russell. Paula Jonabelle Ignacio