Barbie, nahirapan sa bed scene kay Diego!

Barbie, nahirapan sa bed scene kay Diego!

December 15, 2021 @ 6:54 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Super happy si Barbie Imperial na ang first ever movie na gagawin niya under Viva Films ay kasama ang kanyang love of my life na si Diego Loyzaga. Isang sexy film na may pamagat na “Duo” at idinerehe ng kapwa niya PBB housemates na si Fifth Solomon.

Dahil real life syota ni Barbie si Diego, paano kaya ang naging working relationship nila?

“Mas madali in a way, kasi kilala ko na ang mga galaw ni Diego. Suportahan kami sa eksena, pero sa mabibigat na eksena, hindi muna kami nagpapansinan para kunwari, totoo ‘yung mga away namin, para ‘yung paghuhugutan mo, maging totoo,” ang bungad na say ni Barbie.

Puring-puri din ni Barbie ang acting skill ng boypren na talagang minana sa kanyang mga magulang na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

“Si Diego, talagang magaling na aktor. Ang husay niya rito. If I’d rate him, I’d give him 11, not just 10. We help motivate each other. Noong una, medyo kabado ako kasi alam ko, magaling nga siya. So sabi ko sa sarili ko, lalabanan ko ito. I won’t be intimidated, kasi kung matatakot ako sa kanya, baka magtuloy-tuloy. We also had an acting workshop before shooting started at minethod talaga namin ang mga eksena namin,” ani Barbie.

Anong eksena naman kaya nahihirapan si Barbie na kasama ang boypren?

“The most challenging for me are the bed scenes. First time ko kasing ginawa. I was nervous but Diego helped in calming me down. Kasi sa drama scenes, emotions wise, mas madali kasi parang ‘yung nangyayari sa totoong buhay na binabalikan lang namin,” say pa rin ni Barbie. Wally Peralta