Barbie, pikon na sa pagiging ‘kabit’!

Barbie, pikon na sa pagiging ‘kabit’!

October 3, 2022 @ 7:52 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Umabot na ‘ika nga sa saturation point si Barbie Imperial na palagi na raw inaakusahan bilang kabit.

At may kakambal nang pagkapikon ito.

“Hindi nga ako kabit! Kelan n’yo ba ako tatantanan?!” naiinis nang buwelta ni Barbie sa kanyang mga bashers.

Siya kasi ang itinuturong “the other woman” sa relasyong Carlo Aquino-Trina Candaza kaya naghiwalay ang mga ito.

Depensa ni Barbie, “Kelan ba sila naghiwalay? ‘Di ba, last year? Eh, gumawa kami ni Carlo ng movie recently gayong split na sila, ako pa rin ang dahilan?”

Understandable naman ang himutok ng sexy actress.

Sa tuwing may mga couples daw na naghihiwalay ay siya ang sinisisi for breaking them apart.

Pero sa kabila raw ng pamba-bash sa kanya ay thankful pa rin siya.

May dahilan daw kasi to prove her detractors wrong.

Simple lang daw ang kanyang paraan to change what people think of her.

“Pinagbubuti ko lang ang trabaho, that’s it!” aniya.

Pero there are times na talagang hindi maiiwasang naaapektuhan na siya because of the tag “kabit.”

But since it’s far from the truth daw, to hell kung ano ang sabihin ng tao tungkol sa kanya! Ronnie Carrasco III