Barbie, pumiyok sa hiwalayan issue!

Barbie, pumiyok sa hiwalayan issue!

September 26, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Usap-usapan ang kumakalat na tsismis na hiwalay na ang Kapuso showbiz couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza.

Katunayan, kung totoo nga ang chika, maraming nanghihinayang sa kinasapitan ng kanilang relasyon.

Noong Mayo lang kasi nag-celebrate ng kanilang ikalimang taong anibersaryo ang mag-jowa sa isang beach.

Màlayo na rin ang kanilang naging journey mula sa pagiging magkatrabaho, hanggang sa naging magka-love team at mag-sweetheart.

Marami rin ang sumusubaybay sa kanilang travel adventures sa kanilang vlog.

Maging ang talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz ay nalulungkot din kung may katotohanan ngang nauwi na sa splitville ang dalawa na ipinost niya sa kanyang IG stories.

“JakBie no more in real life, Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza alaws na,” sey ng social media card.

Reaksyon naman ni Mama Ogs: “True ba to?, ‘di naman ako prepared.

“Di tuloy ako makakain. Gusto kong itaob ang mesa. Baka naman me chance pa?!” dugtong niya.

Sa presscon naman ng bagong serye, natanong si Barbie tungkol sa hiwalayan issue nila ni Jak.

Clueless daw siya sa nasabing tsika at pumalag siya at nilinaw na fake news ito. Archie Liao