Barbie, ready na sa mature roles!

Barbie, ready na sa mature roles!

November 27, 2021 @ 4:02 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Excited ang lahat sa latest announcement ni Barbie Forteza about sa career nito.

Sa interview ng aktres sa Kapuso Showbiz News, sinurpresa nito ang mga tagahanga by saying “ready na siya sa mature roles”.

As we all know, sa tagal ni Barbie sa showbiz ay never pa ito tumanggap ng ganoong role. Ang mga seryeng ginagawa ng aktres ay drama or comedy with her leading men pero never naging daring.

Nilinaw naman nito na okay na siya sa mature roles pero hindi pa rin magpapaka-daring dahil she needs more time para paghandaan ito.

“Mature, yes, I’d like to say yes, pero not daring particularly. Hindi naman ibig sabihin mature roles, eh, daring na rin ‘di ba?” saad ng Kapuso aktres.

Umani naman ito ng iba’t-ibang komento mula sa netizens. May nagsabing okay lang na mag-stay siya sa pa-cute roles tutal naman ay bagay sa mukha niya, may ilan naman ang na-excite sa bagong pasabog niya.

Common comments ng fans and supporters ni Barbie, ito ba ang pangtapat sa Darna? We’ll see. Paula Jonabelle Ignacio