Barbie, sinagot ang ‘something’ kay DJ, nahiya kay Kath!

Barbie, sinagot ang ‘something’ kay DJ, nahiya kay Kath!

September 13, 2022 @ 12:20 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Finally, sinagot na ni Barbie Imperial ang issue tungkol sa “something” between her and Daniel Padilla.

Matatandaang umingay ang issue na ‘to this year nang makita siya ng netizens kasama ang nanay ni DJ na si Karla Estrada.

In-address ni Barbie ang issue sa mismong YouTube channel niya.

Aminado siyang nanahimik talaga siya at ngayon lang napagdesisyunang sagutin ang mga tsismis dahil pinangunahan siya ng hiya kay Kathryn Bernardo.

“Ngayon ko lang ata sasagutin ito kasi nanahimik talaga ako, e. Nu’ng nangyari ‘yung chismis na ‘yon, s’yempre nahiya ako unang-una kay Kath kasi anong iisipin niya,” said Barbie.

Paglilinaw pa niya, nang pumutok ang balita tungkol sa pagbisita niya sa bahay ni Karla, ‘yun ‘yung panahon na kakahiwalay lang nila ni Diego Loyzaga kaya she needed to get some advise from a mother (referring to Karla) lalo’t wala aniya ang nanay niya ng maranasan niya ang nasabing breakup nila ng kanyang ex.

‘Yun naman pala, guys! Barbie and Karla are friends at humingi lang ng payo ang huli sa una. Hindi si DJ ang dinayo! Hehe. Paula Jonabelle Ignacio