Barbie, sinurpresa si Diego, Xian Gaza, asar-talo!

Barbie, sinurpresa si Diego, Xian Gaza, asar-talo!

December 13, 2021 @ 2:29 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Xian Gaza left the universe!

‘Yan ang kantyaw ngayon ng social media world sa Pambansang Tsismoso matapos magpost si Barbie Imperial ng sweet photos nila ng boyfriend na si Diego Loyzaga.

Hindi lang basta basta sweet photos dahil sa latest Instagram update ng aktres, posted ang anniversary surprise nito for Diego.

Ang lakas maka-fairytale ng setup. Punong puno kasi ng lights at flowers at very aesthetic ang dating.

In this case, it’s a different fairytale kasi lalaki ang sinurpresa at pinaghandaan ng babae.

Pang-aasar ngayon ng DiegBie supporters kay Gaza, “Ano ka ngayon?!”

Kamakailan lang kasi ay ginawan ni Xian ng issue ang magkasintahan at dinamay pa nga si AJ Raval na eventually, nakaayos din ni Barbie kahit nakapagbitaw ito ng hindi magagandang words.

Another proof guys na tsika lang ang pinakalat ni Xian dahil mukhang getting stronger nga talaga ang couple as what Barbie said sa kanyang interview with Tito Boy Abunda.

Hanap ka na lang ng ibang pagkakabisihan, Xian. Chos. Paula Jonabelle Ignacio