Baril, granada, droga nakumpiska sa 2 tulak

Baril, granada, droga nakumpiska sa 2 tulak

November 23, 2022 @ 5:00 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Nadakip ang dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Bay Municipal Police Station sa Barangay Dila Bay, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Darwin at alyas Junnelita.

Ayon sa report ng Bay Municipal Police Station, nagsagawa ng anti-illegal drug buy bust operation kahapon nang dakong alas – 6:45 ng gabi, Nobyembre 22 sa may Brgy. Dila, Bay, Laguna na nagresulta sa pagkaka- aresto sa dalawang suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa nagpanggap na posuer buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang naglalaman illegal na droga, isang (1) coin purse na naglalaman ng Php 5,000, isang (1) unit Igram 1411 Cal. 9mm na may serial no:827704, isang (1) pirasong magazine, labing walong (18) piraso ng bala ng 9mm, isang (1) Granada, isang (1)ng DIZO Cellphone, isang (1) unit ng Toyota Revo with Plate number WPW 576, at narekober din ang buy bust money sa mga suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bay MPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay sinusuri sa Crime Laboratory para sa forensic examination at ballistic examination.

Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 at sasampahan naman ng hiwalay na kaso si alyas Darwin ng paglabag sa Republic Act 9516 sa pagdadala ng armas.

“Patuloy po ang Laguna pulis sa mga operasyon kontra droga at umasa po kayong lahat sa mga mamayan ng Laguna na hindi kami titigil para sa masligtas at mapayang Laguna ” ayon Kay PCol Silvio. Ellen Apostol