Baril nangungunang dahilan ng pagkasawi ng kabataan sa Amerika

Baril nangungunang dahilan ng pagkasawi ng kabataan sa Amerika

May 27, 2022 @ 10:59 AM 1 month ago


USA – Nalampasan na ng mga baril ang aksidente sa sasakyan bilang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Amerikano.

Nangangahulugan ito na sobrang pagtaas ng mga homicide cases na may kaugnayan sa baril tulad na lang ng nangyaring pagpatay sa 19 na bata sa isang pag-agaw ng paaralan sa Texas.

Sa pangkalahatan, 4,368 na kabataan hanggang sa edad na 19 ang namatay mula sa mga baril noong 2020, katumbas ito ng 5.4 bawat 100,000 sa isang dashboard ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Sa paghahambing, umabot lang sa 4,036 ang bilang ng nasawi sa sasakyang de-motor sa kaparehas na panahon. Ito ang dating nangungunang sanhi ng kamatayan sa nasabing age group.

Sa isang akda na isinapubliko sa New England Journal of Medicine (NEJM), napansin ng mga awtor na ang gma bagong datos ay naaayon sa iba pang ebidensya na tumaas ang karahasan gamit ang baril sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Hindi naman malinaw ang kadahilanan nito.

Ang bagong na-update na dashboard ng CDC ay nagpapakita na halos 30 porsyento ng mga pagkamatay ay suicide, mahigit tatlong porsyento lamang ang hindi sinasadya, at dalawang porsyento ang hindi natukoy na layunin. RNT