Barko bumangga sa Pier 2

Barko bumangga sa Pier 2

August 10, 2020 @ 11:42 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bumangga ang isang barko sa Pier 2 sa Manila North Harbor sa Maynila.

Ayon kay Philippine Ports Authority o PPA General Manager Jay Santiago ang barkong nasangkot sa insidente ay ang Ocean Abundance.

Nangyari ang pagbangga ngayong umaga lamang pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Santiago.

Wala namang nasaktan sa insidente bagamat nasapul ang isang truck ngunit hindi naman ito nahulog sa tubig.

Ayon kay Santiago, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Ang barko ay may kargang mga container van. Ayon kay Santiago, ipasasagot sa Ocean Abundance ang pagpapagawa sa mga nasira. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...