Barko lumubog dahil sa Agaton, 14 tripulante nakaligtas; oil spill pinangangambahan!

Barko lumubog dahil sa Agaton, 14 tripulante nakaligtas; oil spill pinangangambahan!

April 11, 2022 @ 2:52 PM 3 months ago


CEBU – Pinangangambahan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibleng pagtagas ng langis  mula sa lumubog na barko sa Camotes Island sa  Cebu dahil sa malakas na hangin at alon na dala ng bagyong Agaton.

Maswerte namang nakaligtas ang sakay nito na 14 tripulante bago ang tuluyang paglubog ng barko .

Sa ngayon, wala pang nakikitang palatandaan ng pagtagas ng langis o oil spill ngunit patuloy pa rin itong minomonitor ng coast guard.

Ayon kay Coast Guard Central Cebu, Commander Captain Alvin Dagale, Ito ay dala ng malakas na hangin at alon ngunit wala naman aniyang ulat na may injuries o casualty at wala ring silang natatanggap pang ulat ng oil spill mula sa nasabing barko.

Hindi pa rin naiaahon ang nasabing barko at hinihintay pa ang update mula sa deployable team ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden