Barko, motorbanca nagsalpukan

Barko, motorbanca nagsalpukan

November 21, 2022 @ 8:24 AM 6 days ago


MANILA, Philippines- Isang barko at motorbanca ang nagbanggaan sa karagatan sakop ng Batangas City nitong Linggo.

Sa inisyal na ulat mula sa natanggap ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-11 ng umaga nang umalis ang MV Stella Delmar ng Starlight Shipping sa Calapan Port patungong Batangas port.

Sa hindi sinasayang pangyayari, nabangga ng barko ang isang motorbanca sa layong 500 metro mula sa pampang ng Brgy. Pagkilatan, Batangas City bandang alas-2 ng hapon.

Agad namang nailigtas ng mga tripulante ng barko ang tatlong sakay ng motorbanca.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden