Barko nagliyab sa gitna ng dagat!

Barko nagliyab sa gitna ng dagat!

August 27, 2022 @ 9:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang pampasaherong barko ang nasunog habang papadaong sa Batangas port nitong Biyernes.

Sakay ng MV Asia Philippines, ang Starlite Shipping vessel ang nasa kabuuang 82 indibidwal kabilang ang 34 crew at 48 pasahero.

Lulan din ng barko ang 16 rolling cargoes.

Umalis ang barko sa Calapan port alas 3 ng hapon ng Biyernes at alas 5:59 ng hapon nang nakatanggap ang Philippine Coast Guard ng distress call kaugnay sa insidente.

Agad namang nagpadala ang coast guard ng dalawang floating assets na nagsagawa ng search and rescue operation kung saan isa sa nirescue ang iniulat na dinala sa malapit na ospital dahil sa tinamong injury.

Inaasahan sanang makakadaong sa Batangas port ang barko alas 5:30 ng hapon ngunit sumiklab ang sunog bago pa man ito makarating sa pantalan o may layo na one (1) nautical mile.

Ang nasabing barko ay may passenger capacity na 402 ayon sa PCG .Jocelyn Tabangcura-Domenden